Masasabing ang
iPhone 6 Plus ang pinakamalaking iPhone at ang may pinakamalinaw na screen sa
lahat ng smartphone ng Apple. Hindi rin maitatangging napakataas ng halaga ng
iPhone 6 Plus. Ang presyo ng iPhone 6 Plus ay nakahanay mula 30,000 hanggang
41,000 PHP. Ang 16GB na iPhone 6 Plus ay nagkakahalaga ng 30,380.00 PHP; ang 64GB iPhone Plus naman ay
humigit-kimulang 35,990.00 PHP, samantalang ang 128GB iPhone 6 Plus naman ay may
presyo na 41,600.00 PHP.
Ang screen ng
iPhone 6 Plus ay may sukat na 5.5 inches, na sadyang malaki ang pinagkaiba sa
4.7 in na sukat ng screen ng iPhone 6. Ang mga naunang modelo naman na iPhone,
iPhone 3G, iPhone 3Gs, iPhone 4 at iPhone 4s na may laki na 3.5 in ang screen.
Subalit sa kabila
ng pagiging pinakamalaking iPhone, ang iPhone 6 Plus ay mas manipis sa mga
naunang modelo. Mas nakakurba ang disenyo at may kabilugan ang mga kanto ng
iPhone 6 Plus kumpara sa bahagyang direchong tagiliran ng iPhone 5s.
Mapapansin din na
dahil sa laki ng iPhone Plus 6, kahit na ang may malalaking kamay ay bahagyang
nahihirapan sa paggamit nito. Ito ay tamang-tama sa mga mahilig manood ng mga
pelikula na kung saan maaari itong hawakan ng isang kamay habang
naka-landscape.
Ang iPhone 6 Plus
ay mayroong Optical Image Stablization na nagbibigay ng kakayahang mapagalaw
ang lens nito ng pataas at pababa upang pagtibayin ang mga imahe na nakuhaan. Ibinunyag
din ng Apple na ang katangian na ito ay nagagamit din ng maayos kahit na may
kadiliman ang kapaligiran.
Idinagdag
ng Apple ang katangian na “Reachability” sa iOS 8 upang mapadali ang pagkontrol
sa smartphone na ito. Napapagana ang Reachability sa pamamagitan ng pag-tapik
sa Home na buton ng dalawang beses. Malaki ang naitulong ng Reachability upang
mapadali ang paggamit ng isang malaking smartphone katulad ng iPhone Plus 6.
Ngunit may mga nagsasabi rin na may mga pabagu-bago itong katangian kaya umaasa ang mga gumagamit
nito na mapapabuti pa lalo ang Reachability sa mga susunod na update.
Binigyan
diin din ng Apple na ang iPhone 6 Plus ay gawa sa mga materyales na may mataas
na kalidad, binuo ito ng buong ingat at dumaan sa matinding pagsusuri at
pagsubok, gaya ng 3-point bending, pag-aaral at komento mula sa mga gumamit,
pressure point cycling, atbp. Sa pamamagitan ng isang precision-engineered na
katawan na mula sa 6000 series ne na-anodize na aluminum, ito rin ay napatibay
lalo sa pamamagitan ng pag-temper. Naglalaman din ito ng mga titanium inserts
at stainless steel upang lalo itong mapatatag, kaya hindi maikakaila na ang
iPhone 6 Plus ang may pinakamatibay na salamin sa lahat ng klase ng smartphone.
Ayon
sa Square Trade, ang iPhone 6 Plus ay masasabing isa sa mga pinakamatibay na
smartphone sa merkado, ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng malakas at magandang kakayahan
sa mga tests, mapapansin na karamihan sa mga gumagamit ng iPhone 6 Plus ay
bahagyang nahirapan sa paghawak nito dahil sa laki ng sukat at kanipisan ng
disenyo nito. Ang mga screen ay talaga namang nakapasa sa pagsubok ng
Breakability, dahil sa napakatibay na salamin nito.
Ang
iPhone 6 Plus ay pinapagana ng bagong Apple A8 na processor, ngunit ito ay
tumatakbo sa iba’t-ibang bilis ng oras. Ang iPhone 6 Plus ay umaandar sa
1.39GHz, kumpara sa iPhone 6 na 1.2GHz lamang. Ang Motion Co-Processor din nito
ay may update. Pinalitan din ng M8 ang M7 mula sa iPhone 6s, na ginagamit upang
makolekta ang sensor data, na sadya naming nakakatulong upang makaiwas sa
sobrang paggamit ng enerhiya mula sa baterya.
Katulad
ng iPhone 6, ang iPhone 6 Plus ay may 1GB na RAM.
Ang
iPhone 6 Plus ay may Focus Pixels para sa mas mabilis an autofocus. Ito ay
kapaki-pakinabang sa pag-shoot ng video dahil kusang nagpo-pokus ang mga pixel
ng tuloy-tuloy habang nashu-shoot.
Napabuti
rin ang face detection sa parehong kamera sa harap at likod. Ang shooting sa
Panorama ay umaabot ng hanggang 43 megapixel at ang 1080p HD video recording
naman ay nasa 30 fps o 60 fps. Mayroon din itong cinematic video stabilization
at tuloy-tuloy na autofocus na video.
Dahil sa lumaki na
sukat ng iPhone 6 Plus, napalaki rin ang baterya nito kaya ang kapasidad nito
ay lalo pang napagtibay. Sinabi ng Apple na ang baterya ng iPhone 6 Plus ay
umaabot ng 24 na oras sa pakikipag-usap sa 3G, 11 na oras kung gamit ang Wi-Fi
at 12 na oras naman kung sa LTE. Maaari rin itong magamit ng 14 oras sa
panonood ng video at 80 oras naman sa pakikinig ng audio. Ang katangiang ito ng
iPhone 6 Plus ay sadyang kahanga-hanga.

Hmm. Ano kaya ang kaibahan ng iPhone 6c sa dalawang ito, maliban sa presyo at sa laki...
ReplyDelete